OCTA Research, umapela sa pamahalaan na ibalik ang liquor ban at age restrictions

Iminungkahi ng OCTA Research Team sa pamahalaan na ibalik ang liquor ban at limitahan muli ang mga taong pwedeng lumabas ng bahay kasunod ng surge ng COVID-19 cases.

Ayon kay OCTA Research Fello Dr. Guido David, dapat magkaroon ng proactive measures para hindi ma-overwhelm ang healthcare system tulad noong August 2020.

Bagama’t maraming available na hospital beds sa ngayon, posibleng mapuno muli ito dahil sa pagdami ng mga kaso.


Binigyang diin ni David na hindi ‘unlimited’ ang hospital capacity ng bansa.

Umapela rin siya sa publiko na manatiling sumunod sa minimum health standards.

Facebook Comments