Mayorya ng mga Pilipino ang handang magpaturok ng 3rd dose o booster shot.
Sa Laging Handa public press briefing sinabi ni Prof. Ranjit Rye na ito ang lumabas sa survey na kanilang isinagawa noong April 22 at 25 kung saan consistent ang willingness ng mga Pinoy na magpa-booster.
Ayon kay Prof. Rye 7 out of 10 mga Pilipino ang gustong magpaturok ng booster shot bilang karagdagang proteksyon.
Sinabi pa nito na yung nasa 23% na ayaw magpa-booster ay may agam-agam pa rin kung ligtas ba ang booster dose at naniniwalang hindi na ito kailangan pa.
Samantala, kahit mayorya ng mga Pilipino ang gustong magpa-booster ay kakaunti pa lamang ang nagpapaturok nito.
Paliwanag ni Prof. Rye tila kumpyansa na kasi ang mga kababayan natin dahil bukas na ang ekonomiya, maluwag na ang restriksyon gayundin ang mobility kaya hindi na nila nakikita yung urgency sa pagpapabooster shot.
Kasunod nito, nananawagan ang OCTA sa pamahalaan maging sa pribadong sektor na magtulong-tulong upang maipabatid sa publiko ang kahalagahan ng booster shot lalo na ngayong nananatili parin ang banta ng COVID-19 at mga sub variants nito.
Sa pinakahuling datos ng Department of Health (DOH) sa higit 67-M fully vaccinated nasa 13-M pa lamang ang nabibigyan ng booster shot.