Umaasa ang OCTA Research team na bababa na lamang sa 1,000 hanggang 2,000 ang arawang kaso ng COVID-19 sa bansa pagsapit ng Disyembre.
Ayon kay Dr. Guido David, wala na silang nakikitang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa kabila ng pagluluwag sa Alert Level 3 sa lungsod.
Mas bumagal din ang bilis ng hawaan ng COVID-19 na nasa 0.45 na lamang habang bumaba rin ang mga naitatalang bagong kaso kada araw.
Patuloy rin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa CALABARZON, Davao City at Cebu City.
Gayunman, may mga ibang lugar pa ring nakakapagtala ng mataas na mga kaso tulad ng; Zambales, Negros Oriental, at iba pang bahagi ng Region 2 partikular sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.
Facebook Comments