OCTOBER 12, 2022, IDINEKLARANG SPECIAL NON-WORKING HOLIDAY SA LUNGSOD NG CAUAYAN

Idineklarang special non-working holiday ng City Government ng Cauayan ngayong araw ng Martes, ika labindalawa ng Oktubre bilang pakikiisa sa Patronal Feast ng Our Lady of the Pillar Parish Church dito sa Lungsod.

Batay ito sa Executive Order no.44 series of 2022 na pirmado ni Acting City Mayor Leoncio “Bong” Dalin.

Nakasaad sa EO na bilang pakikibahagi sa taunang selebrasyon ng Our Lady of the Pillar Parish Church, hinihikayat ang lahat ng empleyado ng LGU na lumahok sa Thanks Giving Mass na isasagawa mamayang alas 8:30 ngayong umaga.

Sa bisa rin ng EO no. 44, suspendido muna ang pasok sa lahat ng tanggapan sa Cityhall ganun din sa iba pang government offices maliban lamang sa mga frontline agencies na nagbibigay ng emergency services.

Facebook Comments