October 18, Idineklarang ‘Citywide Day of Prayer’ sa Siyudad ng Ilagan

Cauayan City, Isabela- Idineklarang ‘Citywide Day of Prayer’ ng City of Ilagan ang October 18 na layong maprotektahan ang lahat sa banta ng patuloy na paglobo ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Batay sa ipinalabas na executive order no. 71, nagkaroon ng paggulong sa nakalipas na sampung araw (10) kung saan naalarma ang lahat sa laki ng mga tinamaan ng sakit mula sa mga primary, secondary at tertiary contacts.

Ilan din sa mga Ilagueños ang hindi na nakadadalo pa sa mga pagtitipon sa simbahan dahil sa nararanasang krisis dulot ng pandemya.


Hinihimok naman ang mga religious sector o indibidwal na sama-samang ipagdasal ang bawat isa lalo na ang mga tinamaan ng sakit na bumuti na ang kanilang sitwasyon ng kalusugan partikular ang mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa COVID-19.

Facebook Comments