October 28, Idineklarang Special Non-Working Holiday sa Echague, Isabela!

Cauayan City, Isabela- Idineklara ng bayan ng Echague, Isabela na special non-working day sa araw ng lunes, Oktubre 28, 2019 kasabay ng kanilang pagdiriwang ng Mengal Festival ngayong taon.

Sa pinirmahan ni Mayor Francis “Kiko” Dy na executive order no.29 series of 2019 ay walang pasok sa nasabing araw ang mga empleyado ng pamahalaang lokal ng bayan ng Echague.

Layunin nito, na magkaroon ng salo-salo at pagsama-sama ang buong pamilya, barkada at kaibigan upang tunghayan ang mga aktibidad sa Lunes upang ipagdiwang ang kanilang kapistahan.


Facebook Comments