Hindi idedeklarang holiday ng Malacañang ang October 31, araw ng Martes.
Ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na walang plano ang Palasyo ng Malacañang na gawing holiday ang October 31.
Ang abiso ay mula sa Office of the Executive Secretary.
Ibig sabihin ang long weekend ay papatak lamang ng Sabado, October 28, hanggang Lunes, October 30, 2023 at may pasok na pagsapit ng October 31, Martes.
Balik bakasyon naman ng November 1 at 2.
Una nang ideneklarang special non-working day ang October 30 para magkaroon ng panahon ang mga botanteng makapagboto para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Wala pa namang paabiso kung ano naman ang magiging desisyon ng Palasyo para sa November 3, araw ng Biyernes.