Octopus connection, at upos ng sigarilyo pangunahing sanhi ng sunog batay sa datos ng BFP noong 2019

Para iwas sunog, dapat sundin ang dalawang paalala ng Bureau of Fire Protection.

Una, huwag gumamit ng octopus connection sa mga de-kuryenteng kagamitan.

Pangalawa, tiyaking wala nang baga ang naitatapong mga upos ng sigarilyo.


Ito kasi ang pangunahing sanhi ng mga naitalang mga sunog  noong 2019.

Ayon kay BFP spokesperson Geranndie Agonos,  nakapagtala ang BFP ng 18,000  na sunog noong 2019.

Karamihan sa mga nangyaring sunog ay sumiklab sa mga residential areas.

Ang tema ng fire prevention month ngayong Marso ay “Matuto ka, Sunog, Iwasan na”

Paalala ni Agonos, mabisang proteksyon pa rin sa sunog, ang paggamit ng acronym na PADRE (Prevention, Awareness, Detection, Reaction at Evacuation).

Mahalaga na alerto ang lahat kung saan ang  nagsimula ang sunog  upang lahatang makakilos sa pag- apula agad ng apoy.

Pero, kung nagsimula nang kumalat ang apoy, ang kailangang reaksyon na ay ang ng pag evacuate na sa ligtas na lugar.

Facebook Comments