Natapos na ang ocular inspection ng DOJ panel sa mga nadiskubreng magnetic lifters sa isang warehouse sa GMA Cavite at sa Manila International Container Port o MICP Sa Maynila.
Personal na isinawa ang inspeksyon ng mga Prosecutor ng Justice Department na Pinangunahan ni Assistant State Prosecutor Mary Jane Sytat.
Inilabas ng mga forklift mula sa container vans ang dalawang magnetic lifters na sinasabing pinaglagyan ng mga shabu na nailusot sa customs noong August 7, 2018.
Ang mga iligal na droga na itinago sa magnetic lifters na tumitimbang ng 355 kilos.
Ayon sa PDEA, Galing ang shipment sa Malaysia at ipinasok sa bansa pero inaalam pa ang tunay na pinagmulan ng droga.
Walang naging bagong pahayag ang DOJ panel na nagsagawa ng inspection pero ang prosesong ito ay bahagi preliminary investigation ng Justice Department.
Ang shipment ay naka-consign sa Vecaba Trading International na hindi accredited ng Bureau of Customs.