Ocular Inspection sa ilang Ilog sa Cagayan, Isinagawa ng DENR Region 2

Cauayan City, Isabela-Nagsagawa ng ocular inspection sa mga ilog ng downstream Cagayan si DENR Region 2 Executive Director Gwendolyn Bambalan alinsunod sa kautusan ni DENR Secretary Roy Cimatu na siyang Chairman ng binuong Task Force Build Back Better.

Kabilang sa iniikutan ng panrehiyong direktor ang mission river sa bayan ng Sta. Teresita na nakaranas ng pag-apaw ng tubig dahil sa ulan dulot ng nagdaang bagyong Maring nitong kalagitnaan ng buwan ng Oktubre.

Ayon kay Environmental Management Bureau Regional Director Nelson Honrado, nagkaroon ng pagbabago sa river channel at ilang bahagi ng mga tabing-ilog ay bumagsak.


Bukod dito, sinusubaybayan rin ni Bambalan ang pagtatanggal ng mga sandbars sa bahagi ng Magapit Narrows sa bayan ng Lal-lo town at Brgy. Dummun sa bayan ng Gattaran.

Ito ang mga dalawang prayoridad na lugar ng Department of Public Works and Highways (DPWH) para sa sandbars removal matapos maapektuhan ng ilog Cagayan.

Sa Magapit Narrows, naitala ng DPWH ang kabuuang 364,143 cubic meter ng sandbars ang naalis kung saan higit na mataas sa inaasahang total volume na mahukay.

Samantala, tinatayang 81,800 cubic meter sandbars mula sa 970,962 cubic meter target ang natanggal na sa Dummun site.

Ayon pa sa DPWH, naapektuhan ang ginagawang dredging operations na nagsimula noong Hunyo 21.

Una nang iniutos ni Sec. Cimatu sa DPWH na suspendihin pansamantala ang operasyon dahil sa masungit na panahon at matiyak ang kaligtasan ng mga operators gayundin ang mga kagamitan.

Facebook Comments