Patuloy ang isinasagawang Post-Disaster Geohazard Assessment sa Lingayen katuwang ang Department of Environment and Natural Resources – Mines and Geosciences Bureau bilang kaukulang hakbang matapos ang pananalasa ng Bagyong Uwan.
Layunin ng masusing ocular inspection at assessment na matukoy ang lawak ng pinsala at panganib na dulot, partikular, ng storm surge o daluyong na iniwan ng bagyo.
Matutukoy sa inspeksyon ang mga bahagi sa bayan na nangangailangan ng agarang pagkukumpuni upang hindi maging banta sa kaligtasan ng mga residente.
Patuloy rin ang koordinasyon ng mga ahensya upang agarang makapaglatag ng kinakailangang risk mitigation measures at maiwasan ang posibleng karagdagang pinsala sa komunidad.
Facebook Comments









