Ocular inspection sa Manila Zoo, isinagawa ni Mayor Lacuna

Nagsagawa ng ocular inspection sa Manila Zoo si Mayor Honey Lacuna-Pangan para makita ang ilang mga huling paghahanda sa muling pagbubukas sa November 21, 2022.

Nais masiguro ng alkalde na maayos ang lahat at walang magiging aberya sa nakatakdang pagbubukas nito sa Lunes lalo na’t marami ang nag-aabang dito.

Ayon kay Alipio Marabe, ang officer-in-charge ng Public Recreation Bureau, siguradong sulit ang pagpasok dito dahil makikita sa zoo ang animal museum, botanical garden, butterfly garden at iba’t ibang uri ng hayop.


Sinabi naman ni Mayor Honey na ang iba pang uri ng mga hayop ay paparating na rin sa Manila Zoo bago dumating ang Linggo.

Matatandaan na ipinasara ang Manila Zoo noong 2019 dahil sa natuklasan na ang mga dumi na nanggagaling dito ay direktang napupunta sa Manila Bay sa kasagsagan naman ng rehabilitasyon nito.

Paalala ng Manila LGU maaari naman makapasok ang mga walk-in pero hinhimok nila ang lahat na magpa-rehistro via online lalo na’t ang zoo ay kaya lamang papasukin ang nasa 2000 online registered at 500 walk-in visitors.

Facebook Comments