ODD NEWS: Patay sa Kalabaw

Abra, Philippines – Patay ang 74-anyos na magsasaka sa bayan ng Dangla sa lalawigan ng Abra matapos suwagin ng kanyang alagang kalabaw.

Nagkaroon ng sugat sa dibdib, ulo, at likod ang biktimang si Gergorio Pilor.

Ayon sa mga kaanak ni Pilor, posibleng nahulog sa kalabaw si Pilor kaya siya sinuwag.


Dinala pa sa ospital ang biktima subalit idineklara na din itong patay ng mga doktor.

Facebook Comments