Off-campus facility ng DLSU para sa mga health workers, binuksan na

Binuksan ng De La Salle University ang kanilang off-campus facility para gawing tuluyan ng mga health worker sa Manila City sa gitna ng pandemya.

Ito ay ang isang 25-room off-campus dormitory para sa mga frontliner sa Philippine General Hospital at mga kalapit na pasilidad

Ayon kay DLSU President Br. Raymundo Suplido, alam nilang kulang na kulang ang mga pasilidad ng mga ospital at batid nila ang nararanasang stress ng mga frontliner.


Maliban dito, gagawin ding isolation facility ang hindi nagagamit na kwarto ng De La Salle-College of Saint Benilde na may 135 kama sa tulong ng Philippine Red Cross (PRC).

Facebook Comments