Dahil sa patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Kanlaon na sinabayan pa ng pagragasa ng tubig na may abo at mga bato partikular na sa Barangay Biak na Bato, La Castellana, Negros Occidental.
Pinag-iingat ng Office of Civil Defense (OCD) ang mga residente dito at pinayuhang magsilikas.
Kasabay nito pinaigting din ng OCD ang kanilang response operations dahil parin sa patuloy na pagpapakita nang abnormalidad ng bulkan.
Ayon kay Civil Defense Administrator Usec. Ariel Nepomuceno ang kanilang regional counterparts sa Western at Central Visayas ay patuloy sa pakikipag-ugnayan sa mga concerned agencies at local authorities para sa tamang implementasyon ng response protocols at pagbibigay ng karagdagang tulong at suporta sa mga apektado.
Giit ni Nepomuceno, sa panahong ito kinakailangang mas laging handa dahil sa pinangangambahang tatagal pa ang nararanasang pag-aalburoto ng Kanlaon.
Kahapon, muling nagpulong ang mga opisyal ng OCD-National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) kung saan tinalakay ang kasalukuyang sitwasyon gayundin ang mga kinakailangang paghahanda hinggil sa posibilidad nang muling pagputok ng bulkan.
Patuloy rin ang pagbibigay paalala ng OCD sa mga residenteng malapit sa danger zone na lumayo sa mga ilog at sapa dahil sa pagragasa ng lahar flow upang matiyak ang kanilang kaligtasan.