Office of the Building Official ng Pasig, ini-lockdown

Ipinag-utos ng pamahalaang lungsod ng Pasig ang pansamantalang pagpasara ng Office of the Building Official (OBO) matapos magpositibo sa COVID-19 ang ilang personnel nito.

Batay sa abiso ng pamahalaang lungsod, inirekomenda ng City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) na isasailalim muna sa 14 days quarantine upang mapigilan ang pagkalat ng virus.

Sa ulat ng CESU, ilang personnel ng OBO ay na-expose sa isang COVID-19 positive na asymptomatic noong Marso 5 ngayong taon.


Pero tiniyak naman ng CESU na sumailalim na sa COVID-19 test ang mga na-expose na mga nagtatrabaho sa OBO.

Humihingi naman ng pag-unawa ang pamahalaang lungsod sa mga tao na apektado ng pansamantalang pagpasara ng OBO bunsod ng COVID-19.

Facebook Comments