OFFICE OF THE CIVIL DEFENSE REG 1, INIHAYAG NA MAY NAKAHANDANG PLANO SAKALING MANALASA ANG THE BIG ONE

Inihayag ng kinatawan ng Office of the Civil Defense Region 1 na sakaling manalasa at magkaroon na ng tinatawag na the Big One ay nakahanda ang ahensya.
Ito ang inihayag ni OCD Region 1 Admin and Finance Management Section Head Mark Masudog sa isang online interview.
Aniya may mga nakahanda ng plano ang ahensya kung sakaling manalasa na ang malaking sakuna o ang the big one. Sinabi din nito na may posibilidad na tumama ang nasa 8.5 magnitude na lindol na maaaring tumama sa Norte.

At ngayon, patuloy aniya na ginagawa ang contingency planning kung saan ang regional level ay patuloy ding nagfoformulate ng mga plano at sa regional disaster response plan.
Patuloy din ang koordinasyon ng ahensiya sa publiko maging sa mga katuwang na ahensya at upang alamin ang iba mga kailangan at upang malaman ang susunod na hakbang para mag improve ang Disaster Risk and Management.

Samantala, tiniyak nama ng opisyal na makakabangon agad ang mga biktima ng sakuna sa pamamagitan ng mabilis na response at assist sa mga biktima at sa kanilang ari-arian.
Patuloy din ang kanilang panawagan sa publiko na maging alerto at mapagmatyag sa lahat ng oras sakaling may sakuna. |ifmnews
Facebook Comments