Cauayan City, Isabela – Nakipagkoordinasyon na ang Office of the Civil Defense Region 2 sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang paghandaan ang pagdating ng bagyong ompong sa kabila na ito ay wala pa sa Philippine Area of Responsibility o PAR.
Ayon kay ginoong Francis Reyes, tagapagsalita ng Office of the Civil Defense Region 2 na ginagawa na ang lahat ng OCD ang anumang nakikitang paghahanda kaugnay sa bagyong ompong.
Ito ay sa pamamagitan umano ng pagdedeploy ng mga unit, food items at ang posibleng pagsasagawa ng evacuation centers sa mga coastal municipalities ng Cagayan at iba pang lalawigan na maaring maapektuhan dahil sa maaring magdala umano ng malaking storm surges ang naturang bagyo.
May inisyal narin umanong koordinasyon ang OCD sa mga men in uniform sa rehiyon dos partikular sa deployment sa mga lugar ng 5th ID, Philippine Navy at Cagayan Valley Rescue Group.
Samantala matagal na umano na nagpreposition ng relief goods ang DSWD at OCD ng mga food items nitong buwan pa ng Agosto dahil narin umano sa typhoon season na laging pinaghahandaan sa bawat taon.