Office of the Court Administrator, humingi ng tulong sa NBI para matukoy ang mga nag-aalok ng annulment at nullity of marriage via online

Hiningi na ng Office of the Court Administrator ang tulong ng National Bureau of Investigation (NBI) para tuntunin ang mga nag-aalok ng annulment at nullity of marriage via online.

Mismong si Court Administrator Raul Villanueva ang sumulat kay NBI chief Medardo de Lemos, upang matigil na ang ganitong iligal na gawain.

Ayon kay Villanueva, nalaman ng kaniyang tanggapan na may ilang website o platforms ang ginagamit na nag-aalok ng mabilisang proseso ng annulment at nullity of marriage.


Aniya, hindi lamang dito sa ating bansa nag-aalok ang mga nasa likod nito kundi maging ang ibang Filipino sa abroad saka sinasabing hindi na nila kailangan pa ng court appearance o hearing.

Bukod dito, hinikayat nila ang mga kliyente na makukuha ang mga dokumento kabilang ang marriage certificate with annotation of null and void na walang kasiguraduhan kung totoo.

Dagdag pa ni Villanueva, malaking pera ang inilalabas ng mga nabibitkima ng mga ganitong uri ng iligal na gawain.

Umaasa si Villanueva na agad na matutunton ng NBI ang mga ito at mapanagot sa batas.

Facebook Comments