Office of the Ombudsman, naglabas ng pahayag tungkol sa annual audit report ng COA

Opisyal nang naglabas ng pahayag ang Office of the Ombudsman kaugnay sa annual audit report ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, nais ng kanilang tanggapan na magtrabaho nang tahimik at malayo sa spotlight lalo na kapag reputasyon ng mga tao sa gobyerno ang pinag-uusapan.

Tiniyak naman nito na tuloy pa rin ang kanilang operasyon.


Samantala, pagbubunyag pa ni Martires na kusa na silang nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa procurement ng mga test kits, PPE’s at iba pa.

Kasama rin dito ang hindi pagbayad sa mga nasawing health workers dahil sa COVID-19 maging ang mga anomalya at pagkukulang dito.

Facebook Comments