Manila, Philippines – Desidido ang Ombudsman na ibalik sa kulungan si dating Senador Jinggoy Estrada.
Ito’y matapos na pansamantalang makalaya si Estrada sa kinahaharap nitong plunder case kaugnay ng PDAF scam.
Ayon kay Hon. Edilberto Sandoval, Special Prosecutor ng Ombudsman – kukwestyunin nila ang naging basehan ng sandiganbayan para makapag-bail ang dating Senador.
Giit niya, hindi pwedeng ihalintulad ang kaso ni Estrada sa kasong plunder ni Arroyo dahil sa maanomalyang paggamit niya ng PCSO funds.
Dagdag pa ni Sandoval, wala sa limang mahistrado na humawak sa mosyon ni Estrada ang kasama sa naging pagdinig sa naunang bail petition niya.
Sa Lunes, magsisimula ang unang araw ng pagdinig sa kasong plunder ni Estrada.
Gayunman, umaasa pa rin ang Ombudsman na pwede pang mabago ang desisyon ng sandiganbayan.