Manila, Philippines – Handana ang Office of the Ombudsman na muling buksan ang imbestigasyon nito kaugnaysa DAP o Disbursement Acceleration Program ng dating Administrasyong Aquino.
Ito’y makaraangkumpirmahin ni Budget Secretary Benjamin Diokno na humihingi sa kaniya ang Ombudsmanng mga dokumento hinggil sa nasabing programa.
Una nang inihayag ni OmbudsmanConchita Carpio Morales na nakakuha na sila ng mga dokumento mula sa tanggapanni Diokno.
Sakaling makapaglatag ngmatibay na ebidensya ang Ombudsman, pagtitiyak ni Morales na muli niyangsisilipin ang kaso laban kay dating Pangulong Noynoy Aquino.
Matatandaan, ibinasuranuong Marso ng Ombudsman ang kasong administratibo na inihain laban sa datingpangulo gayundin kay dating Budget Secretary Butch Abad at Undersecretary MarioRelampagos.
Office of the Ombudsman, handang buksan ang imbestigasyon sa Disbursement Acceleration Program ng Aquino administration
Facebook Comments