
Tiniyak ng Office of the Ombudsman na hindi ito magpapadala sa tinatawag na dilatory tactics ni dating AKO Bicol Party-list Representative Zaldy Co.
Ito ang pahayag ng Office of the Ombudsman kasunod ng petisyon ni Co sa Supreme Court na humihiling ng pag-iisyu ng temporary restraining order laban sa Ombudsman.
Kaugnay ito ng resolusyon na inilabas noong November 14, 2025 na nagrerekomenda ng pagsasampa ng mga reklamo laban kay Co.
Ayon sa Ombudsman, malinaw na layon ng naturang petisyon na idiskaril ang masusing imbestigasyon sa mga kasong may kinalaman sa korapsyon na kinakaharap ng dating mambabatas.
Nangako ang Ombudsman na mananatili itong nakatuon sa mandato nito at ipagpapatuloy ang imbestigasyon nang walang panghihimasok.
Facebook Comments










