Hindi na aapela ang Office of the Ombudsman kaugnay sa pagkakabasura ng 16 na graft charges laban kay Senator Bong Revilla Jr.
Sa isang pahayag, sinabi ng Office of the Ombudsman na wala na silang balak umapela sa naging desisyon ng Sandiganbayan para sa mga kasong kinaharap ni Revilla na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Inirerespeto raw nila ang desisyon matapos na rin ang naging botohan ng Sandiganbayan First Division.
Matatandaang inakusahan si Revilla na ginamit ang kaniyang Priority Development Assistance Funds o pork barrel sa mga pekeng Non-Government Organizations na iniuugnay kay Janet Lim Napoles.
Facebook Comments