Office of the Ombudsman, humirit ng dagdag budget para sa 2025

Umapela ang Office of the Ombudsman sa House Appropriations Committee na madagdagan ang mahigit ₱5.8 billion na budget nila para sa 2025 na mas mababa sa hiniling nitong mahigit ₱8.5 billion.

Ayon kay Ombudsman Samuel Martires, ang dagdag na pondo ay kailangan para makapagdagdag pa sila ng satellite offices at makakuha ng karagdagang mga abogado.

Dagdag pa ni Martires na dapat pondohan ang pagpapahusay sa kanilang digitalization program kasama ang pag-upgrade ng IT system matapos ma-hack ang kanilang IT system.


Sabi ni Martires, kailangan nilang kumuha ng 60 dagdag na mga abogado para mapabilis ang imbestigasyon at pagresolba sa hawak nilang mga kaso at reklamo.

Samantala, hiniling naman ni Martires sa kongreso na alisin ang confidential funds sa kanilang budget.

Facebook Comments