Office of the Ombudsman, nag-abiso na para isara ang gusali para sa disinfection

Pinayuhan na ang publiko na gamitin ang online system sa kanilang transaksyon sa Office of the Ombudsman.

Ayon sa abiso ng Anti-Graft Body, simula mamaya hanggang bukas, July 24, 2020, isasara muna ang kanilang tanggapan para bigyang daan ang general cleaning at disinfection.

Ito’y bilang precautionary measure laban sa pagkalat ng COVID-19 at matiyak ang kaligtasan at kalusugan ng publiko, at mga empleyado.


Lahat ng Ombudsman Clearance Applications at online filing ng reklamo ay maaaring ipadala sa website na www.ombudsman.gov.ph

Inaasahang babalik ang operasyon sa pamamagitan ng skeletal force sa araw na ng Lunes, July 27, 2020.

Una nang isinara ang operasyon sa Ombudsman noong nakalipas na buwan ng Marso dahil sa banta ng COVID-19.

Facebook Comments