
Posibleng sampahan ng kasong Plunder ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan si dating House Speaker Martin Romualdez ngayong Lunes, Sept. 7.
Ito ay may kaugnayan sa umano’y pagkakasangkot ni Romualdez sa P56-billion na anomalya sa flood control project.
Matatandaang nauna nang itinanggi ni Romualdez ang nasabing alegasyon at handa umano siyang patunayan ito.
Samantala, nabanggit na rin ng Office of the Ombudsman noon na may 42 wintess silang inihanda para sa nasabing kaso laban kay Romualdez.
Ngayong Lunes, Sept. 7, ay dumating sa Sandiganbayan si Assistant Ombudsman Mico Clavano para maghain ng kaso, gayunpaman ay wala pa itong ibinibigay na detalye kung ito ba ay ang mismong Plunder case na laban kay Romualdez.
Samantala, nakaantabay naman tayo ngayon dito sa Office of the Ombudsman para sa press conference, kung saan pormal na iaanunsyo ang nasabing paghahain ng kaso.










