
Tinawag ng Office of the Ombudsman na malaking kalokohan ang pahayag ng contractor na si Curlee Discaya sa Senate Blue Ribbon Committee (BRC) hearing na para silang ninakawan.
Kaugnay ito sa kondisyong ibalik nila sa gobyerno ang ninakaw nilang pondo bago sila payagang mapasailalim sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ).
Sa isang pahayag, sinabi ni Assistant Ombudsman Mico Clavano na ang taumbayan ang unang pinagnakawan kung kaya’t mali na tawaging pagnanakaw ang pagbabalik ng ninakaw sa mga Pilipino.
Giit ni Clavano, nang mawala ang pera para sa flood control, hindi lang nawalan ng pondo ang gobyerno, kundi nawalan ng kaligtasan ng mga Pilipino.
Ani Clavano, ang pagsauli ng pera ng gobyerno ay hindi isang pangingikil kindi isang pananagutan.










