Humihirit si Pangulong Rodrigo Duterte ng ₱8.23 billion na budget para sa kaniyang opisina sa 2021.
Kabilang dito ang ₱4.4 billion para sa confidential at intelligence expenses.
Batay sa 2021 Budget Proposal ng Office of the President (OP), humihiling sila ng ₱2.25 billion para sa confidential funds at karagdagang ₱2.25 billion para sa intelligence funds.
Nasa ₱6.487 billion ang mapupunta sa maintenance and operating expenses (MOOE), ₱1.159 billion ay ilalaan sa personnel services at ₱590.9 million sa capital outlays sa susunod na taon.
Dinipensahan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang paglalaan ng pondo sa confidential expenses.
Ayon kay Roque, ginagamit ng Pangulo ang bahagi ng pondo nito para sa mga programang may kaugnayan sa COVID-19 response.
Pagtitiyak ni Roque na ang lahat ng expenses ay dumadaan sa audit.
Ang proposed budget ng OP ay bahagyang mababa kumpara sa ₱8.25 billion budget na inaprubahan ng Kongreso ngayong taon.