OP, naglaan ng ₱200-M na ayuda sa Cebu matapos ang magnitude 6.9 na lindol

Maglalaan ng ₱200 million na pondo ang Office of the President bilang tulong sa lalawigan ng Cebu at sa mga bayan na matinding naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.

Ginawa ng pangulo ang pahayag sa isinagawang situational briefing kasama si Governor Pamela S. Baricuatro at iba pang lokal na opisyal.

Makakatanggap ng ₱50 milyon para sa buong lalawigan ng Cebu habang tig- ₱20 milyon bawat isa para sa Bogo City, San Remigio, at Sogod.

May tig-₱10 milyon din ang Medellin, Bantayan, Daanbantayan, Madridejos, Santa Fe, Tabogon, at Tabuelan

Bukod dito, may ₱5 milyon bawat isa sa mga LGU-run hospitals na naapektuhan ng lindol at ₱20 milyon para sa isang ospital na pag-aari ng Department of Health (DOH) sa probinsya.

Layon ng pondong ito na mapabilis ang rehabilitasyon, maipagpatuloy ang serbisyong medikal, at matiyak ang agarang tulong.

Facebook Comments