Pinagkukumento ng Korte Suprema ang Office of the President kaugnay ng petisyon ng online news organization na Rappler laban sa pagbabawal sa kanilang organisasyon at mga reporter na magcover ng mga public event ni Pangulong Duterte.
Binigyan ng Supreme Court ng sampung araw ang respondents para magsumite ng kumento.
Hindi na muna inaksyunan ng hukuman ang hiling na TRO o status quo ante order o writ of preliminary injunction ng Rappler.
Bukod sa Office of the President, kasama rin sa pinagkukumento ang Office of the Executive Secretary, Presidential Communications Operations Office, Presidential Communications Operations Office, Media Accreditation Registration Office at Presidential Security Group.
Sa petisyon ng Rappler, iginiit ng mga petitioner na ang coverage ban ay labag sa press freedom, freedom of speech, due process at equal protection na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.