Office of the President, wala pang inilalabas na bagong travel authority kay VP Sara —Palasyo

Hindi pa naglalabas ng bagong travel authority ang Office of the Executive Secretary para kay Vice President Sara Duterte.

Tugon ito ng Palasyo matapos matanong tungkol sa pahayag ng Office of the Vice President na hindi nila alam kung nasaan ang bise presidente

Sa press briefing dito sa New Delhi, sinabi ni Palace Press Officer Claire Castro, na ang huling travel authority na inisyu nila kay VP Sara ay mula Hulyo 5 hanggang Hulyo 28 para sa biyahe patungong The Hague, Netherlands at South Korea.

Pero may ulat umano silang natanggap na planong bumiyahe ni VP Sara Duterte sa Kuwait sa Agosto 8.

Gayunpaman hanggang sa ngayon ay wala pang pormal na kahilingang isinumite para sa travel authority mula sa Office of the President.

Facebook Comments