Office of the Press Secretary, tututukan ang problema ng paglaganap ng fake news sa bansa

Tututukan ng Office of the Press Secretary (OPS) ang problema ng bansa kaugnay sa paglaganap ng fake news.

Ayon kay OPS Undersecretary at Officer-in-Charge Cheloy Garafil, may mga programa na silang ilalatag sa mga susunod na araw upang tugunan ito.

Dagdag pa ni Garafil, seryosong bagay ito na nais aksyunan ng Marcos administration.


Mababatid na lumabas sa pinakahuling survey ng Pulse Asia na siyam sa sampung Pilipino ang naniniwalang problema sa bansa ang fake news.

Facebook Comments