Nakahanda na ang mga tauhan ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA) para ipatupad ang arrest order at subpoena sa 20 indibidwal na iniimbestigahan sa iligal na operasyon at mga criminal activities ng POGO.
Nangunguna sa listahan na maisyuhan ng “warrant of arrest” para maaresto ay si suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.
Kasama rin sa pinaiisyuhan ng arrest order ang mga ipina-cite in contempt na pamilya ng alkalde kabilang si Jian Zhong Guo na ama nito, Lin Wenyi ang sinasabing ina, mga kapatid na sina Shiela, Seimen at Wesley Guo at accountant ni Guo na si Nancy Gamo at ang authorized representative ng Hongsheng si dating Technology and Livelihood Resource Center Deputy Director General Dennis Cunanan.
Bagama’t wala pang ibinababa na arrest warrant at subpoena sa OSAA, tiniyak naman ni Senate Sgt. At Arms Roberto Ancan na sapat ang kanilang manpower para maisilbi agad ang kautusan.
Posible namang wala pang lumabas ngayon na warrant of arrest at subpoena dahil ayon kay Senate President Chiz Escudero bukod sa walang opisina ang Senado ay hindi pa nagaakyat ng request ang opisina ni Senator Risa Hontiveros.