Office of the Solicitor General, hinamon na sampahan din ng Quo Warranto petition ang Meralco, Maynilad at Manila Water

Hinamon ng Bayan Muna sa Kamara si Solicitor General Jose Calida na maghain din ng quo warranto petition laban sa Meralco, Maynilad at Manila Water.

Ang hamon ay kasunod ng paghahain ng petisyon ni Calida sa Korte Suprema laban sa ABS-CBN franchise.

Giit ng Bayan Muna, kung may dapat na unahin na sampahan ng petisyon, ito ay walang iba kundi ang mga mapangabusong public utilities.


Aniya, nagmimistulang biased institution ni Pangulong Duterte ang Office of the SOLGEN dahil lamang sa hindi pagpapalabas ng kanyang mga campaign ads noong 2016 national election.

Kapansin-pansin din ang paglalaan ng oras para sa paghahain ng kaso laban sa mga kritiko ng Pangulo tulad ni dating Chief Justice Ma. Lourdes Sereno, Rappler CEO Maria Ressa, Senators Antonio Trillianes IV at Leila De lima.

Dahil dito, hinamon ni dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares ang OSG na sampahan ang Meralco, Maynilad at Manila Water ng reklamo sa SC para ipakita na sila ay para sa interes ng mga Pilipino at patunayang sila ay isang independent institution.

Isa rin ang MAKABAYAN Bloc sa naghain ng House Bull 6052 para sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Facebook Comments