Manila, Philippines – Maghahain ng petisyon sa Supreme Court ang Office of the Solicitor General para kuwestiyunin ang kwalipikasyon ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ito ay kasunod ng pahayag ni House Speaker Pantaleon Alvarez na maaring mapatalsik ng SC si Sereno kapag mapatunayan na invalid ang kaniyang appointment.
Lumabas ang validity ng appointment ni Sereno noong 2012 ng matuklasan ng mga mambabatas na bigo itong magsumite ng kaniyang Statement of Assests, Liabilities and Net Worth noong ito ay nag-apply sa puwesto.
Magugunitang naka-indefinite leave si Sereno matapos na mapagdesisyunan ng 13 mahistrado ng SC.
Facebook Comments