Office of the Solicitor General, naka-lockdown matapos magpositibo sa rapid test ang isang empleyado

Naka-lockdown ngayon ang Office of the Solicitor General (OSG) sa Makati City matapos na magpositibo sa rapid test ang isang empleyado nito.

Ang naturang empleyado ay sumailalim na sa confirmatory test at hinihintay na lamang ang resulta nito.

Sa ngayon, ang pinapayagan lamang na pumasok sa tanggapan ay ang Financial Management Service personnel gayundin ang sanitation and disinfection team.


Hindi rin muna tumatanggap ng mga transaksyon o mga dokumento ang OSG.

Facebook Comments