Tiniyak ng Office of the Solicitor General o OSG na tatalima sila sa utos ng Korte Suprema na ilabas ang mga dokumentong may kaugnayan sa war on drugs ng Duterte administration.
Sa isang statement, sinabi ng OSG na kapag nakuha na nila ang resolusyon ng Supreme Court, agad silang susunod sa direktiba.
Pinabulaanan naman ng OSG na tumatanggi silang ilabas ang mga record sa mga kasong may kaugnayan sa Oplan Tokhang.
Sa kabilang dako, Aminado ang OSG na tutol sila sa pagbibigay ng kopya ng mga Tokhang documents sa mga petitioner, dahil may mga sensitibong impormasyon na may kinalaman sa seguridad ng bansa.
Maaari rin anilang maging banta ito sa buhay ng mga suspek na nasa kustodiya na ng mga otoridad.
Facebook Comments