Office of the Vice President, mabilis na tinapos ang pagtalakay sa plenaryo; pondo ng tanggapan, pinatataasan sa ₱1.358 billion

Mabilis na tinapos ng mga kongresista ang deliberasyon sa budget ng Office of the Vice President sa plenaryo.

Personal na dumalo sa budget deliberation si Vice President Leni Robredo.

Kasabay nito ay nagkakaisa ang mga kongresista na itaas sa ₱1.358 billion ang pondo ng OVP sa 2021.


Unang nagmosyon si Camarines Sur Rep. Gabriel Bordado Jr., na dagdagan ang pondo ng OVP upang maisakatuparan ang mga programa ng tanggapan ngayong may pandemya.

Sinuportahan din ni ACT-Teachers Partylist Rep. France Castro na i-restore ang original budget proposal ng OVP gayundin ang educational hubs na proyekto ng opisina na malaking tulong sa distance learning para sa mga guro at mag-aaral.

Pinuri naman ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez ang OVP dahil sa kabila ng maliit na pondo ay nagawa pa rin ng opisina na tulungan ang iba’t ibang sektor.

Sa 2021 ay aabot lamang sa ₱679 million ang pondo ng OVP at irerekomenda sa kanilang amendments na taasan ang pondo nito sa susunod na taon.

Facebook Comments