Nag-abiso na sa publiko ang Office of the Vice President (OVP) na ititigil na nila sa May 30 na ang serbisyo ng Bayanihan E- Konsulta.
Sa isang statement, nagpasalamat ang OVP sa lahat ng nakiisa sa naturang inisyatibo upang makapaghatid ng tulong sa mga nangailangan ng atensyong medikal sa kasagsagan ng pandemiya.
Ayon sa OVP, libo-libong mga volunteers medical professional ang nakibahagi sa Bayanihan E-Konsulta na nakatulong din para mabawasan ang mga pasyenteng nagpupunta sa mga ospital para sa konsultasyon.
Nagpasalamat din ang OVP sa mga ka-partner nito na nakatulong sa ating mga kababayan sa paghahanap ng mga medical professional para sa kinakailangan nilang konsultasyon kaugnay ng kanilang kalusugan.
Facebook Comments