Office of the Vice President, naglaan ng pondo para sa sariling Libreng Sakay Program

Para sa sariling Libreng Sakay Program sa susunod na taon ay naglaan ang Office of the Vice President o OVP ng P32.5 million sa ilalim ng P2.3-billion na 2023 proposed budget nito.

Ang P32.5 million ay para sa iba’t ibang sasakyan, gaya ng mga passenger van at mga bus kaugnay sa operasyon ng satellite offices ng OVP at para sa Libreng Sakay Program.

Agosto 2022 nang ilunsad ng OVP ang Libreng Sakay Program nito katuwang ang Department of Transportation (DOTr) at umabot na sa 44,000 na pasahero ang kanilang naserbisyuhan.


Samantala, sa budget briefing ng Kamara ay kasamang inilahad ng OVP ang P10 million na alokasyon na paunang bayad para sa bibilhing lupa na pagtatayuan ng permanenteng tanggapan ng ikalawang pangulo ng bansa.

Facebook Comments