OFFICER IN CHARGE | Acting CJ Carpio, nagtalaga ng mga OIC sa mga tungkulin ng naka-leave na si Justice Peralta

Manila, Philippines – Itinalaga ni Supreme Court Acting Chief Justie Antonio Carpio si Justice Mariano del Castillo bilang Acting Chairperson ng Raffle Committee for division cases simula Nov 26 bilang pansamantalang kapalit ni justice Disodado Peralta.

Kahapon lumipad si Peralta patungong Australia para dumalo sa counter-terrorism study sa Sydney.

Magiging pansamantalang miembro ng raffle committee for division cases si Justice Francis Jardeleza.


Habang nasa ibang bansa si Peralta ay magiging acting signatory din si Justice del Castillo at acting chairperson ng House of Representatives Electoral Tribunal.

Si Justice Marvic Leonen naman ang itinalagang acting chairperson ng Supreme Court Third division na pinamumunuan ni Peralta.

Facebook Comments