OFFICER-IN-CHARGE | Sec. Guevarra, magsisilbing ‘caretaker’ ng bansa

Manila, Philippines – Tatayong officer-in-charge ng bansa si Justice Secretary Menardo Guevarra habang nasa Israel at Jordan si Pangulong Rodrigo Duterte.

Kahapon ng umalis ang Pangulo patungong Israel at magtagal doon hanggang Setyembre 5.

Habang magsisimula naman ang kanyang pagbisita sa Jordan mula Setyembre 5 hanggang Setyembre 8.


Ito ang unang pagkakataon na bumisita ang presidente ng Pilipinas sa Israel magmula noong maitatag ang diplomatic ties ng dalawang bansa noong 1957.

Facebook Comments