OFFICIAL ASPIRING ECO-BEAUTY CANDIDATE NG PROBINSYA NG PANGASINAN SA GAGANAPING MISS PHILIPPINES EARTH 2023 PINUSUAN AT APPROVED SA NETIZENS

Pinusuan at approved sa netizens ang official aspiring eco-beauty candidate ng probinsya ng Pangasinan sa gaganaping Miss Philippines Earth 2023.
Naglabas ng short video ang facebook ng Miss Philippines Earth kung saan ipinakilala si Kerri Reilly ng Mangatarem, Pangasinan. Siya ay 20-year-old at isang British-Filipina model.
Mula sa health and wellness campaign niya last year sa isang competition, ngayon naman inilahad din nito ang kanyang environmental advocacy sa pagsali sa pamamagitan ng pagsugpo sa mga plastic waste sa karatagan lalo’t ang Pilipinas ay isa na may magagandang beaches.

Mula sa taglay nitong beauty and brain sabay sabay nating abangan at suportahan ang nalalapit na laban ng ating kandidata. |ifmnews
Facebook Comments