MANILA – Ipagpapatuloy ng National Board of Canvasser (NBOC) ang bilangan ng mga boto sa pagka-senador at party list group mamayang alas-otso ng umaga.Nabatid na umabot na sa apatnapung (40) lugar ang nacanvass ng nboc kahapon kung saan alas-9:45 kagabi ng suspendihin ang bilangan.Nasa 165 certificate of canvass ang kanilang tatapusin bago magdeklara ng nanalong Senador at Party list.Sa May 23 naman sisimulan ng kongreso ang canvassing ng boto para sa presidente at bise presidente.Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang pagbibilang ng boto ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).Gayunman, naging mabagal ang pasok ng mga boto hanggang kaninangala-1:45 ng madaling araw kung saan nasa 94.82 percent pa lamang o kabuuang 89,390 precincts na ang nabibilang.
Official Canvassing Para Sa Presidente At Bise Presidente, Sisimulan Pa Lang Sa May 23
Facebook Comments