Magkakaroon na ng Visa Card ang bawat residente sa Naguilian, La Union matapos ang kasunduan ng lokal na pamahalaan sa isang mobile wallet and payment system provider.
Ang naturang Visa Card ay magsisilbing official citizen identification card ng mga residente tampok ang branding ng bayan.
Bukod dito, maaari ring i-ugnay ng isang resident ang kanyang mobile wallet para sa cashless transaction sa mga establisyimento at pampublikong transportasyon.
Maaring makatanggap ng benepisyo mula sa anumang pampublikong opisina ng gobyerno ang may-ari ng card sa edukasyon, kalusugan at iba pa.
Nakatakda pang ayusin ang magiging kabuuang proseso ng pagrehistro at distribusyon ng Visa Digital Card sa bayan. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









