Official list ng mga kandidato sa 2019 midterm elections, ilalabas bago mag- January 23

Manila, Philippines – Bago mag-Enero a-bente tres, ilalabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa 2019 midterm elections.

Ayon kay COMELEC Spokesperson James Jimenez – sa ikatlong linggo rin kasi ng enero nila target na masimulan ang pag-imprenta sa mga balota.

Matatandaang Disyemre a-kinse ang unang target na petsa ng COMELEC para mailabas ang official list.


Pero hindi ito nasunod dahil may mga disqualification cases pa silang kinailangang resolbahin.

Facebook Comments