Official music video ni presidential aspirant Mayor Isko Moreno na “Nais Ko” umabot na sa mahigit 1M views

Umabot na sa 1.2 million views ang official music video campaign na “Nais Ko” ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno sa loob lamang ng isang araw mula nang mag-premiere ito sa kanyang Youtube channel.

Katulad ng kanyang “Bilis Kilos,” ganoon din kabilis ang daloy ng suporta para sa kanyang pagtakbo bilang presidente matapos makakuha ng mahigit isang milyong views ang video na ito sa wala pang 24 na oras.

“Maraming salamat sa inyong suporta! Tuloy tuloy lang tayo sa ating laban!” anya ni Moreno.


Ang music video na “Nais Ko” ay nakakuha ng likes and shares na higit sa 36,000 at 3,800 beses sa Facebook.

Kasama ang dalawang rapper na sina Smugglaz at Bassilyo, pinakita sa music video kung paano hinarap ng Alkalde ng Maynila ang kahirapan nang pamumuhay sa Tondo at kung paano siya sumikap makaahon sa buhay.

Ngayon, kabilang si Moreno sa mga presidential aspirants para sa 2022 national election habang nais niyang gawin at sundin din ang kanyang nagawang mga proyekto sa Maynila para sa buong bansa.

Nais ni Moreno na hindi lamang magbigay ng inspirasyon sa mga Pilipino kundi makatulong din sa pag-angat sa kahirapan, na pinatunayan niyang posible katulad sa kanyang karanasan.

Panoorin ang buong music video sa pamamagitan ng link na ito: https://www.youtube.com/watch?v=Q9P02WhTwb4&ab_channel=IskoMorenoDomagoso

Facebook Comments