Official turn-over of powers para sa bagong tatag na Bangsamoro Region, isasagawa ngayong araw

47

Manila, Philippines – Nakatakdang isagawa ngayong araw sa Cotabato City ang official turnover of power sa bagong tatag na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.

Ayon kay Interim Chief Minister Al Hajj Murad Ebrahim, sa gagawing turn over na ito magsisimula ang opisyal na inauguration ng BARMM.

Matatandaang una nang nanumpa si Ebrahim bilang BARMM Interim Chief Minister noong Biyernes, Pebrero 22.

Sabi pa ni Ebrahim, nakatakda ring buuin ang labinlimang ministro para sa BARMM sa Marso.

Facebook Comments