Official Visit Ni Pangulong Duterte Sa Japan, Magsisimula Na Ngayong Araw

11

TOKYO, JAPAN – Ngayong araw, pormal nang magsisimula ang official visit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Japan.Una sa aktibidad ng Pangulo ang courtesy call ng mga opisyal ng Japan-Philippines Parliament Friendship League (JPPFL) sa prince tower Tokyo hotel ngayong tangahali oras sa Pilipinas.Alas 2:00 naman ng hapon sasaksi ang Pangulo sa paglagda ng kasunduan sa mga manufacturing group.Itinakda naman sa 5:45 ng hapon ang pagpunta ng Pangulong Duterte sa prime minister’s office kung saan gagawaran ito ng enggrandeng arrival ceremony at alas 6 ng hapon ang expanded bilateral meeting kay Prime Minister Shinzo Abe na sundan ng signing ceremony at joint statement ng dalawang lider.Huling aktibidad ang state dinner na handog ni Prime Mnister Abe sa delegasyon ni Pangulong Duterte.

Facebook Comments